Paskong Pinas
Ang Pasko sa Pilipinas, isa sa dalawang bansang may malawak na paniniwala sa Simbahang Katoliko sa Asya, ay nangunguna sa pinakamalaking pista ng taon. Ang Pilipinas ay natatangi sa buong mundo bilang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko na kung saan ang mga awit pangpasko ay naririnig mula Setyembre hanggang sa sumunod na taon sa araw ng Pista ng Epifanio (Araw ng pagdating ng Tatlong Mago/Hari).
Ang araw ng Pasko ay tradisyonal na gawaing pampamilya. Ang misa sa umaga pagkatapos ng huling Simbang Gabi ay tinatawag na Misa de Aguinaldo.
Pagkatapos ng misa, ang mga pamilyang Pilipino ay bumibisita sa kanilang mga kamag-anak, ang iba sa mga ninong at ninang. Sinisimulan ito sa pagmamano bilang respeto sabay ng pag-abot ng regalo na kadalasan ay perang bagong imprenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Pagkatapos nito ay nagsasalo ang buong angkan sa tradisyonal na tanghalian. Sa hapon, ang ibang pamilya ay umuuwi na o pumunta sa pampublikong lugar tulad ng parke, mall, sinehan at tabing dagat. Mula 1975, naging tradisyon na ng mga sinehan sa Maynila, at ngayon sa buong Pilipinas, na hindi magpalabas ng pelikulang banyaga at ito ay tinatawag na Metro Manila Film Festival. Isa ring kakaibang tradisyon ay nagpapaputok ng rebentador, kwites at iba pa sa araw ng Pasko.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento